GRADE ONE
Thursday, February 16, 2012
PABULA

ANG LOBO AT ANG UBAS
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Sa panahong ito ay hindi na interesado pa ang mga bata sa mga nakagisnang usapan/kaalaman tungkol sa mga naririnig nating kwento o pabula na ating halos nakagisnan na pinapag usapan ng mga nakakatanda sa atin.
Kung naging matiyaga lamang ang lobo (wolf) na maabot ang puno ng ubas ay maaaring nakakain siya ng masarap at matamis na
bunga nito
Masasalamin sa kwento na ang kasipagan ay laging may kasamang tiyaga.
ALAMAT NG MAKOPA
Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.
Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.
Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.
Prutas na kinahihiligan ko na nalaman ko na ang pinagmulan nito ay isang gong o batingaw.
Nakakatuwa na ang Makopa ay sunisimbolo ng bayan na di nakikilala ang pagkagutom.
Ayon na rin sa kwento na kahit pinag interesan ng mga tulisan ang gong o batingaw ay mas nagtagumpay pa rin ang kabutihan.
Hanggang sa kahulihng pagkakataon ay nagbigay pa rin ng puno/bunga na makakain para mabusog ang mga tao.

Wednesday, February 15, 2012
ENGLISH
I'm a little teapot
Short and stout
Here is my handle
And here is my spout
Here me shout
"tip me over
and pour me out!"
SIBIKA at KULTURA
Subscribe to:
Posts (Atom)