ANG LOBO AT ANG UBAS
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Sa panahong ito ay hindi na interesado pa ang mga bata sa mga nakagisnang usapan/kaalaman tungkol sa mga naririnig nating kwento o pabula na ating halos nakagisnan na pinapag usapan ng mga nakakatanda sa atin.
Kung naging matiyaga lamang ang lobo (wolf) na maabot ang puno ng ubas ay maaaring nakakain siya ng masarap at matamis na
bunga nito
Masasalamin sa kwento na ang kasipagan ay laging may kasamang tiyaga.
No comments:
Post a Comment